Tuesday, December 6, 2011

UGALI NG ISANG LALAKI

Moody, pero hindi pinapahalata, kasi ayaw namin na maging malungkot pa ang ibang tao sa paligid namin dahil sa kalungkutan namin.

 Ayaw namin ng nanlalambing, hindi dahil sa tinatamad kami o may nagugustuhan kaming iba, dahil alam naming masama kapag napasobra kami, masyado kayong kumukulit lalo.

 Sinungaling. Oo sabihin na nilang kami ang pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa lang naman namin ang pagsisinungaling na ito para maiwasan na masaktan ang inyong mga damdamin. Kung minsan, hindi na lang namin pinapansin kung ano ang nakita namin, para wala ng masyadong usap.

 Kawawa lalo na sa text lalo na kapag may ginawa daw kaming mali kahit hindi naman namin alam. Dapat kasi, intindihin din sana ang side ng mga lalaki.

 Mas seloso kami. Natural makikipag-usap kami sa ibang babae, hindi maiiwasan yun. Ang hindi lang alam ng mga babae, kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila, kahit ba babae din yun ay nagseselos rin ang mga lalaki. Babae lang ba may karapatan magselos? Selfish din kami. Hindi lang siguro natural na showy o masalita ang lalake sa ganyang bagay.

 Hindi magaling magtago ang mga lalaki. Kung magaling eh bakit nakakapagbigay kayo ng pagseselos? Ibig sabihin may hint na lumabas. Oo sabihin na nating ang puso ninyo ay sa amin lang kahit makakita kayo ng 1M na mas gwapong lalaki, may chance pa rin na sa 1M na yun, may isa din dun na mapupukaw ang atensyon mo. Magaling lang kayo magtago.

Pinagmamalaki namin ang mga babae sa buhay namin sa harap ng maraming tao: kasi yun ang gusto nila eh. Sunud-sunuran lang kami, wag lang magkaroon ng away. Kung kami tatanungin, mas gusto namin na ipagmalaki sila ng hindi nila alam -- di dahil gusto namin manglandi ng iba. Gusto namin i-preserve ang babaeng iyon para lang sa amin.

 Ayaw namin sa mga nililigawan namin ng ubod ng tagal. Nagmumukhang paasa. Pero sa totoo naman paasa lang naman talaga silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig muna bago kami kilalanin.

 Kapag maingay kami, sumabay kayo. Gusto namin ng masayang buhay, at ang pagtawa man minsan ay nagsisilbing panandaliang paglimot sa aming mga problema. Gusto namin sa hirap at ginhawa nandiyan ang mga babae, kailangan man ng yakap o ano, basta ang gusto namin kasama lang sila. Tapos.


 Gustong gusto namin yung mga babaeng malaki ang respeto sa amin, at sa paraang iyon ay rerespetuhin din naman namin sila at ibibigay yung kiss on the forehead na gustong-gusto nila. Tandaan ninyo sanang kung makakagawa man kami ng kaimoralidad sa inyo, siguro dahil nagbibigay kayo ng pagpayag na gawin namin iyon, direct or indirect man.

 Ang nagpapa-turn on samin ay yung babaeng kayang tumayo sa sarili nilang paa. Ayaw namin ng mga pa-baby effect kasi nakakainis. Ang gusto namin ay yung makakasama sa paglalakbay, hindi yung kailangan mula simula kami ang aalalay.

 Ayaw namin sa mga babaeng pakipot sa text. Kung mahal ninyo kami, sabihin ninyo. Nakakainis. Para bang alipin ang tingin sa amin -- yun pa naman ang ayaw namin.

 Sobra kaming natutuwa sa mga babaeng nag-eeffort din: kasi nakikita naming naaappreciate lalo ng mga babaeng ganoon ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi yung kami na lang ng kami. Hindi sa nagrereklamo kami na napapagod kami, pero kapag ganoon ang nangyayari matutuwa ka bang pinagtatawanan ng ibang tao ang boyfriend mo at tutuksuhing "ander" at "takusa"?

 Ang pangarap naming mga lalake ay mapakilala sa mga taong malapit sa buhay niya, hindi para angkinin ang isang babae kundi para malaman ng mga taong iyon kung gaano kami kapursigido na mga lalake na maging kalahating-bahagi sa buhay ng isang babae.

 Mas magaling kaming magpretend. Alang-alang itong lahat sa pride namin bilang lalaki. Walang masama kung ayaw ibaba kung minsan ng lalaki ang kanyang pride, dahil ito ang bumubuo sa kanyang pagkalalaki. Kapag mag-isa ang lalaki, hindi man kami umiiyak, kayo ang pumapasok sa isipan namin. Hindi narerealize ito ng mga babae kasi sarili nila ang madalas nilang isipin kung tungkol sa relasyon ang pag-uusapan.

No comments:

Post a Comment