Ang FACEBOOK na siguro ang maituturing na isa sa mga napakatalinong imbesyon na pwedeng malikha ng isang tao. Nang dahil sa FACEBOOK,pinadali nito ang pakikipag-usap o paghahanap sa mga malayo,nawawala o nagtatagong mga kaibigan,kamag-anak,ex o mga taong may utang.Dahil din sa FACEBOOK may mga taong nagkatuluyan,nakapagkamustahan,nagkasiraan at nagkabulgaran ng nakaraan. Napakalaki nga tulong ng FACEBOOK sa lahat ng tao ngunit napakalaki rin ang naidulot nitong panganib sa mga tao.
Nakakatawang may mga taong hindi batid ang mga naka-abang na panganib sa paggamit nitong social networking site. Hindi lang nakakatawa ang mga taong ito kundi nakakapundi rin. At mas lalong nakaka-awa kung magpopost sila ng status na hindi man lang nila binasa ng paulit-ulit bago i-click and share. Marami kayang nakakabasang wrong grammar ka ! Nakakahiya para sayo. Minsan magbubukas ka ng FACEBOOK at panay pangalan na lang niya ang lumalabas dahil maya't maya kung mag-update ng status ..
No comments:
Post a Comment