ESPASIDIN SOLAPOK
Huwag niyo akong palakihin sa layaw o pamihasain. Alam kong hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Sinusubukan ko lang kayo.
Huwag kayong mag-away sa harap ko. Ipinapakita ninyo sa akin na hindi ninyo ako mahal.
Huwag niyo akong higpitan nang labis. Kailangan kong masaktan para matuto. Kaya kong tiisin ang kahirapan.
Huwag niyong ipagbawal ang mga bagay na ginagawa niyo. Nakakalito at nawawalan ako ng tiwala sa inyo.
Huwag niyo akong sisigawan kung ginagawa niyo ito. Nagbibingi-bingihan lang ako para maprotektahan ang aking karangalan.
Huwag niyo akong pabayaang makasanayan ang maling pag-uugali. Umaasa ako na itutuwid ninyo ito sa aking kamusmusan.
Huwag kayong matakot sa akin na maging matatag. Mas gusto ko ito upang maipadama ninyo ang kapanatagan at proteksyon.
Huwag ninyo akong balewalain. Iwasan ninyong ipahiya ako sa maraming tao. Susundin ko naman ang kagustuhan mo kung pinakikiusapan mo ako.
Huwag ninyong balewalain ang aking katanungan sa inyo. Kapag 'di ninyo ako pinansin, hahanap ako ng kasagutan sa iba.
Huwag kayong mangako nang walang kabuluhan. Nakakasakit ng kalooban at damdamin ang bawat pangakong walang katuparan, para tuloy ang mga sinasabi mo sa akin ay walang katotohanan.
No comments:
Post a Comment