Thursday, December 8, 2011

BENEFITS




WALANG MASAMANG DULOT ANG PAG-GAMIT NG MARIJUANA.
Kung tutuusin ay wala naman sa marijuana ang problema kundi sa mga taong gumagamit nito.Kung gagamitin lang ng tao eto sa tamang paraan,tiyak na maganda ang dulot neto sa ating katawan ..

WATCH THE VIDEO !

Wednesday, December 7, 2011

FACEBOOK


Ang FACEBOOK na siguro ang maituturing na isa sa mga napakatalinong imbesyon na pwedeng malikha ng isang tao. Nang dahil sa FACEBOOK,pinadali nito ang pakikipag-usap o paghahanap sa mga malayo,nawawala o nagtatagong mga kaibigan,kamag-anak,ex o mga taong may utang.Dahil din sa FACEBOOK may mga taong nagkatuluyan,nakapagkamustahan,nagkasiraan at nagkabulgaran ng nakaraan.     Napakalaki nga tulong ng FACEBOOK sa lahat ng tao ngunit napakalaki rin ang naidulot nitong panganib sa mga tao.


Nakakatawang may mga taong hindi batid ang mga naka-abang na panganib sa paggamit nitong social networking site. Hindi lang nakakatawa ang mga taong ito kundi nakakapundi rin. At mas lalong nakaka-awa kung magpopost sila ng status na hindi man lang nila binasa ng paulit-ulit bago i-click and share. Marami kayang nakakabasang wrong grammar ka ! Nakakahiya para sayo. Minsan magbubukas ka ng FACEBOOK at panay pangalan na lang niya ang lumalabas dahil maya't maya kung mag-update ng status ..

Tuesday, December 6, 2011

KAPATIRAN

mahirap talaga unawain kung bakit kami ay sumali o nasa loob ng isang fraternity lalo na sa mga hindi bukas ang isip sa isang pang-malawakang pagsusuri .


"kung ikaw ay nasa loob ng isang balon o bilog na hukay tulad nito at titingnan ka sa itaas,ang tangi mong makikita ay isang parte lamang ng malawak na mundo natin,subalit kung ikaw ay lalabas sa balon o hukay ay makikita mong lahat ang malaking bahagi ng mundo".


SUBUKAN MONG ILABAS ANG ISIP MO KAHON MAGKAROON KA NG PAG-AARAL AT PAG-SUSURI,TIYAK MAUUNAWAAN MO KUNG BAKIT NASA MUNDO NG FRATERNITY.!

PILIPINO

ANG PILIPINO BOW ! ! !

bakit kaya ang pilipino ginagawa ang mali kahit alam nilang hindi ito tama ?
bakit kaya ang pilipino alam nilang mabaho , aamuyin pa rin ?
bakit kaya ang pilipino tuwing tag-ulan naglalaba ?
bakit kaya ang pilipino alam nilang bawal , titikim pa rin ?
bakit kaya ang pilipino alam biyang mainit , hahawakan pa rin ?

                              KATAKATAKA SUBALIT TOTOO !
KAHIT AKO GINAGAWA KO YANG MGA BAGAY NA YAN , PILIPINO KASI AKO !

SARIWA

Pagkakaibigan ibig.Dito sa ating daigdig,mananatiling may dilig.Sa binhi nitong pag-ibig . <3


                

ANDRES BONIFACIO


Madalas ay nagiging paksa si Andres Bonifacio tuwing sumasapit ang ika-30 ng nobyembre .Nagiging tampok ang kanyang kabanihan at kagitingan tuwing sumasapit ang araw na iyan .


Maraming parangal at pagkilala ang naibigay sa kanya.May mga eskwelahan,kalye,kalsada,lugar,kampo ng mga sundalo at maging ospital ipinangalan sa kanya . Ngunit sino nga ba siya sa mata ng pangakaraniwang Pilipino ? ..

ISANG MALAKING TANONG ETO AH !


                                                                                                               

UGALI NG ISANG LALAKI

Moody, pero hindi pinapahalata, kasi ayaw namin na maging malungkot pa ang ibang tao sa paligid namin dahil sa kalungkutan namin.

 Ayaw namin ng nanlalambing, hindi dahil sa tinatamad kami o may nagugustuhan kaming iba, dahil alam naming masama kapag napasobra kami, masyado kayong kumukulit lalo.

 Sinungaling. Oo sabihin na nilang kami ang pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa lang naman namin ang pagsisinungaling na ito para maiwasan na masaktan ang inyong mga damdamin. Kung minsan, hindi na lang namin pinapansin kung ano ang nakita namin, para wala ng masyadong usap.

 Kawawa lalo na sa text lalo na kapag may ginawa daw kaming mali kahit hindi naman namin alam. Dapat kasi, intindihin din sana ang side ng mga lalaki.

 Mas seloso kami. Natural makikipag-usap kami sa ibang babae, hindi maiiwasan yun. Ang hindi lang alam ng mga babae, kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila, kahit ba babae din yun ay nagseselos rin ang mga lalaki. Babae lang ba may karapatan magselos? Selfish din kami. Hindi lang siguro natural na showy o masalita ang lalake sa ganyang bagay.

 Hindi magaling magtago ang mga lalaki. Kung magaling eh bakit nakakapagbigay kayo ng pagseselos? Ibig sabihin may hint na lumabas. Oo sabihin na nating ang puso ninyo ay sa amin lang kahit makakita kayo ng 1M na mas gwapong lalaki, may chance pa rin na sa 1M na yun, may isa din dun na mapupukaw ang atensyon mo. Magaling lang kayo magtago.

Pinagmamalaki namin ang mga babae sa buhay namin sa harap ng maraming tao: kasi yun ang gusto nila eh. Sunud-sunuran lang kami, wag lang magkaroon ng away. Kung kami tatanungin, mas gusto namin na ipagmalaki sila ng hindi nila alam -- di dahil gusto namin manglandi ng iba. Gusto namin i-preserve ang babaeng iyon para lang sa amin.

 Ayaw namin sa mga nililigawan namin ng ubod ng tagal. Nagmumukhang paasa. Pero sa totoo naman paasa lang naman talaga silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig muna bago kami kilalanin.

 Kapag maingay kami, sumabay kayo. Gusto namin ng masayang buhay, at ang pagtawa man minsan ay nagsisilbing panandaliang paglimot sa aming mga problema. Gusto namin sa hirap at ginhawa nandiyan ang mga babae, kailangan man ng yakap o ano, basta ang gusto namin kasama lang sila. Tapos.


 Gustong gusto namin yung mga babaeng malaki ang respeto sa amin, at sa paraang iyon ay rerespetuhin din naman namin sila at ibibigay yung kiss on the forehead na gustong-gusto nila. Tandaan ninyo sanang kung makakagawa man kami ng kaimoralidad sa inyo, siguro dahil nagbibigay kayo ng pagpayag na gawin namin iyon, direct or indirect man.

 Ang nagpapa-turn on samin ay yung babaeng kayang tumayo sa sarili nilang paa. Ayaw namin ng mga pa-baby effect kasi nakakainis. Ang gusto namin ay yung makakasama sa paglalakbay, hindi yung kailangan mula simula kami ang aalalay.

 Ayaw namin sa mga babaeng pakipot sa text. Kung mahal ninyo kami, sabihin ninyo. Nakakainis. Para bang alipin ang tingin sa amin -- yun pa naman ang ayaw namin.

 Sobra kaming natutuwa sa mga babaeng nag-eeffort din: kasi nakikita naming naaappreciate lalo ng mga babaeng ganoon ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi yung kami na lang ng kami. Hindi sa nagrereklamo kami na napapagod kami, pero kapag ganoon ang nangyayari matutuwa ka bang pinagtatawanan ng ibang tao ang boyfriend mo at tutuksuhing "ander" at "takusa"?

 Ang pangarap naming mga lalake ay mapakilala sa mga taong malapit sa buhay niya, hindi para angkinin ang isang babae kundi para malaman ng mga taong iyon kung gaano kami kapursigido na mga lalake na maging kalahating-bahagi sa buhay ng isang babae.

 Mas magaling kaming magpretend. Alang-alang itong lahat sa pride namin bilang lalaki. Walang masama kung ayaw ibaba kung minsan ng lalaki ang kanyang pride, dahil ito ang bumubuo sa kanyang pagkalalaki. Kapag mag-isa ang lalaki, hindi man kami umiiyak, kayo ang pumapasok sa isipan namin. Hindi narerealize ito ng mga babae kasi sarili nila ang madalas nilang isipin kung tungkol sa relasyon ang pag-uusapan.

ESPASIDIN SOLAPOK




  • Huwag niyo akong palakihin sa layaw o pamihasain. Alam kong hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Sinusubukan ko lang kayo.
  • Huwag kayong mag-away sa harap ko. Ipinapakita ninyo sa akin na hindi ninyo ako mahal.
  • Huwag niyo akong higpitan nang labis. Kailangan kong masaktan para matuto. Kaya kong tiisin ang kahirapan.
  • Huwag niyong ipagbawal ang mga bagay na ginagawa niyo. Nakakalito at nawawalan ako ng tiwala sa inyo.
  • Huwag niyo akong sisigawan kung ginagawa niyo ito. Nagbibingi-bingihan lang ako para maprotektahan ang aking karangalan.
  • Huwag niyo akong pabayaang makasanayan ang maling pag-uugali. Umaasa ako na itutuwid ninyo ito sa aking kamusmusan.
  • Huwag kayong matakot sa akin na maging matatag. Mas gusto ko ito upang maipadama ninyo ang kapanatagan at proteksyon.
  • Huwag ninyo akong balewalain. Iwasan ninyong ipahiya ako sa maraming tao. Susundin ko naman ang kagustuhan mo kung pinakikiusapan mo ako.
  • Huwag ninyong balewalain ang aking katanungan sa inyo. Kapag 'di ninyo ako pinansin, hahanap ako ng kasagutan sa iba.
  • Huwag kayong mangako nang walang kabuluhan. Nakakasakit ng kalooban at damdamin ang bawat pangakong walang katuparan, para tuloy ang mga sinasabi mo sa akin ay walang katotohanan.